Sunday, January 15, 2017

WESG 2016 Dota semi finals winner - TNC Pro Team

Nakaka-nerbyos habang nanonood lolz, pero ang ganda ng pinakita tlaga ng TNC (The Net.Com). 


Hindi ako marunong mag-dota at di ko rin alam ang mga skills na ginagamit nila, pero ang tinitingnan ko lang eh yung health nila, kung mamatay ang kalaban sa mga team fights, dun ako nagbubunyi lolz. Syempre alam ko rin ang basic objectives na kunin ang mga towers. Pero feeling ko never akong makakapag dota, nerbyosa ako at di ko carry ang mga team fights na magulo, natataranta ako lolz. 

Dati inis na inis ako sa mga bata na maiingay sa internet cafe, nung napanood ko na yung dota, naintindihan ko na kung bakit ganun.

Nakakatuwang isipin na sa Dota, yayaman yung mga batang yun lolz, mga bata pa yung mga players ng TNC. Pero kahit saan namang larangan kung may skills ka, pwede mong pagkakitaan. Sa resulta ng mga laban ng TNC, maiisip mo na magaling yung coach at management ng TNC at magaling ang mga players.

May nababasa pa rin ako na word na "luck" sa mga ibang nag-c-comment. Para sa akin kasi, ang luck hindi mo pinaghirapan, eh yung ginawa ng TNC, pinaghirapan nila yun eh, hindi luck tawag dun, skills ang kelangan sa dota at kelangan mo pag handaan kung anong i-b-ban mo na heroes. Desisyon nila ang mga ginagawa nila sa loob ng game. Bigyan naman ng credit yung mga tao at wag sabihin na luck lang. 

Current Players ng TNC Pro Team

Ito yung mga players ngayon ng TNC na nag panalo ng WESG (Word Electronic Sports Games) Semi-Finals:

1. Kuku - Carlo Palad - Captain - nakilala ko siya pati sina raven at sam h nung TI6 (The International 6) last year.
2. Raven - Marc Polo Fausto - ang gandang combination nila ni kuku
3. Sam H - Samson Hidalgo - sobrang bilib ako dito kay sam, ang galing ng mga tira nya sa kalaban, lalo na nung TI6 against OG, yung chrono, at ngyn naman yung sand king and dark seer, galing!! sobra!! taas ang kamay ko hahahaha
4. Ryoyr - Ryo Hasegawa - di ko sya masyadong kilala, ang naalala ko lang eh nung laban ng Alliance, siya yung Crystal Maiden na laging pinupuntirya ng kalaban. Tinawag na nga nina dunoo at lon na Jolina yung CM lolz tapos nagkaroon pa ng labanan dun malapit sa Roshan, sinabi ng mga casters, naglalakad si Jolina sa may batis lolz, may pagkabastos minsan sinasabi ni dunoo (di ko lam kung ma-mtrcb cya dun), pero nakakatawa yung pag cast nila ng laban na yun, game 1 vs. Alliance.
5. Tims - Timothy Randrup - ang galing sa Earth Spirit, sabi nga nung isang english caster, god daw si Tims sa pag gamit ng Earth Spirit... so for sure, i-b-ban ng cloud 9 yun sa laban nila.

Eto yung highlights ng games ng TNC against Alliance





No comments:

Post a Comment