Wednesday, May 10, 2017

Smart LTE Pocket Wifi

ang black pocket wifi na may nakasulat na evoluzn sa likod.

Bwisit na pocket wifi na 'to, halos 2,000 pesos ko binili pero 2 days ko ng hindi magamit dahil hindi makakuha ng signal. Naka subscribe ako sa 15 hours na flexitime para sa smart bro prepaid na yan, tapos di ko magamit dahil walang makuhang signal.

Meron naman LTE signal dito sa amin dahil naka subscribe ako sa giga50 ng smart dun sa cellphone ko at kaya ko nasusulat yung blogpost na 'to ngayon, yun yung gamit ko.

Pangalawang beses na nangyari 'to sa akin, nung una, nag-contact ako sa smart sa facebook at wala naman kwenta kasi pagkatapos nila makuha info ko, ilang hours bago nag reply ulet at sinabi lng na observe ko yung wifi ko within 24 hours lolz. Bumalik nga yung signal and ok naman cya ng ilang weeks. Tapos ngayon nangyari na naman.

2 days na akong walang signal, hinintay ko for 1 day, baka bumalik signal, wla pa rin, nag-create n lng ako ng ticket sa customer support sa smart website and waiting ulet. Hay naku, kung ganito service ng smart (pldt) or ng globe, tapos wala pang makapasok na foreign investors para makapag compete sa kanila, pinaka walang kwenta na sa buong mundo ang internet ng pilipinas siguro lolz.

Pero baka may pag-asa pa naman, di ko alam kung may connection ang converge sa pldt or sa iba pang telecom companies, pero dito sa pampanga, parang sila lang yung magandang internet company, kaso ang mahal per month, 1500, so kelangan kong paghandaan yung gagastusin per month kung mag-subscribe ako sa kanila. Di ko lng alam kung maganda connection nila sa area ko, dito sa dau, search ko muna.


No comments:

Post a Comment