Wednesday, July 12, 2017

Pusong Palaban Lyrics - Quest

Yumuyuko sa mabigat na pasan
iniinda anuman kalakas ng ulan
bugbog sa hirap ng problema, pasakit, parusa
malampasan lang ang pagdurusa

mas mataas pa sa mga gusaling itinatayo
mas mahaba pa sa kalsadang tinatahak mo
kasing bigat ng daigdig nakapasan sa'yo
ganyan ang mga pagsubok na hinaharap mo

*patumbahin ang aray, tatalunin ang sakit
sa ngalan ng tagumpay na walang kapalit
sumigaw, pumalag, pumiglas ka
makabagong mandirigma, laban na

**yan ang pusong palaban
anuman ang daan
gano kabigat ang pasan
tagumpay makakamtan
(pusong palaban)
anuman ang hadlang
ito'y malalampasan
walang ibang paraan
(yan ang pusong palaban)
matayog na 'yong pangarap
walang ng makakaharang
kaya tuloy lang ang laban
yan ang pusong palaban
pusong palaban

Ikaw na, pusong palaban
kampeon na walang inuurungan

pilit kang papatumbahin sa bawat suliranin
ilagay ka sa alanganin ng hindi makarating
sa tuktok, sa rurok ng iyong mga pangarap
ang 'yong kahinaan kanilang hinahanap

pero tayo'y walang takot saan man 'to umabot
hingalin man sa pagod, sige lang ang kayod
hindi hihinto, tuloy tuloy lang hanggang
tawagin kang kampeon ng sambayanan

(Pilipinas)
repeat * and **

'pag pinatumba ng hamon
agad bumabangon
gano man kalaki ang alon
hindi papalamon
(repeat x4)
tayo ay aahon

repeat **

Ikaw na, pusong palaban
kampeon na walang inuurungan

Ikaw na, pusong palaban
pusong palaban


You can buy the song for 10 pesos at spinnr.ph

No comments:

Post a Comment